^

Punto Mo

Mga delikadong home remedies

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Pagpahid ng eggwhite sa balat na napaso

Sa halip na makatulong ang eggwhite sa napasong balat, puwede itong magkalat ng bacteria, lalo na ang salmonella. Ang safe na paraan ay patuluan muna ito ng tubig mula sa gripo ng ilang minuto para matanggal ang init. Pagkatapos ay mag­hiwa ng kamatis at ito ang ipatong sa bahaging napaso upang maiwasan ang blister.

Pagmumog ng mouthwash kung  masakit ang lalamunan.

Lalo lang maiirita ang lalamunan kung magmumumog ng mouthwash. Mas mainam na uminom ng maligamgam na tubig or maligamgam na calamansi juice at magpahinga.

Paglalagay ng barya sa ibabaw ng namamagang pusod (umbilical hernia) ng bagong silang na sanggol

Ang barya ay marumi na magdudulot ng infection sa pusod ng sanggol. Kumunsulta sa pediatrician upang malaman ang dapat gawin.

Vaginal douching

Hinuhugasan matapos makipagtalik upang hindi mabuntis. Sinisira nito ang ph balance ng vagina na maaaring pagmulan ng sakit. Gumamit ng condom, birth control pills kung umiiwas sa pagbubuntis.

Paglagay ng laway o pagdila sa sugat

Ang laway ay may bacteria. Sa halip na gumaling ang sugat, nilalagyan lang ito ng bacteria na pagmumulan ng infection. Hugasan ng tubig ang sugat at aplayan ng gamot na rekomendado ng doktor.

HOME REMEDIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with