^

Punto Mo

‘Walis’ (Part 14)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Edi wala na pong katulong ngayon si Tiya Clems, Ate Lydia?’’ tanong ko.

“Meron na uli. Pero alam mo, palagay ko ay hindi rin tatagal ang katulong ni Clems.”

“Bakit po?’’

“Madalas kong marinig na pinagbubuhatan din niya ng kamay ang bagong  katulong. Kamakalawa, may narinig akong pinapalo ng stick at kasunod ay umiiyak—palagay ko nagkamali ang katulong kaya sina­saktan.”

“Wala pong ipinagkaiba sa ginawa sa akin, Ate Lydia?”

“Oo. Pero ang masakit nga, kadugo mo siya. Di ba kapatid siya ng mother mo?’’

“Opo.’’

“Palagay ko may sakit na si Clems dahil hindi niya mapigilang manakit. Para bang nasisiyahan siya kapag may sinasaktan.”

“Yun nga po ang pakiramdam ko, Ate Lydia.”

“Dapat magpakunsulta siya sa pscychiarist.”

“E Ate Lydia, wala po ba siyang hinala na ikaw ang tumulong sa akin kaya ako nawala sa kanyang poder?”

“Wala. Ni hindi ka nga nababanggit kapag nag-uusap kami. Si­guro gusto niyang itago ang pagka­wala mo.”

“Hindi po kaya ako hinanap?”

“Palagay ko ay hindi.”

“Balewala talaga sa kanya kahit mag­kadugo kami. Mabuti pa ang  mga hindi ko kadugo at nagmalasakit sa akin—tulad mo Ate Lydia at ni Ate Marie.” (Itutuloy)

BROOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->