^

Punto Mo

Computer na may brain cells ng tao, naimbento sa Australia!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kakaibang teknolohiya ang inilunsad ng isang biotech company sa Australia: isang biological computer na may aktwal na human brain cells na ginamit bilang bahagi ng kanyang sistema!

Ang kompanyang Cortical Labs ang nasa likod ng tina­tawag nilang CL1, ang unang code-deployable biological computer sa mundo. Sa halip na puro silicon chips ang gamitin, idinagdag nila ang mga neuron cells mula sa stem cells upang lumikha ng isang sistema na may kakayahang matuto nang mas mabilis kaysa sa tradisyunal na artificial intelligence (AI).

Hindi ito unang beses na sinubukan ng Cortical Labs ang ganitong teknolohiya. Noong 2022, nakipagtulungan sila sa Monash University upang lumikha ng isang laboratory-based neural computer na natutong maglaro ng video game na Pong sa loob lamang ng limang minuto.

Ngunit napag-isip nilang limitado ito sa loob ng laboratoryo, kaya naman gumawa sila ng isang mas portable at praktikal na bersyon, ang CL1.

Upang mapanatili ang buhay ng brain cells, ang CL1 ay nakalagay sa isang espesyal na container na nagsisilbing life-support system, nagkokontrol ng temperatura at gas exchange para sa mga neuron.

Isa itong rebolusyonaryong pagsasanib ng biology at teknolohiya, at ayon sa Cortical Labs, maaari itong gamitin sa mas malalim na pag-aaral ng kamalayan at mga sakit nang hindi umaasa sa animal testing.

Bagamat may mataas na presyo na nasa $35,000 (mahigit P2 milyon), kasalukuyang gumagawa ang kompanya ng mas murang cloud-based na bersiyon na maaaring ma-access ng mga researcher saanman sa mundo.

Ngunit kasabay ng pag-unlad na ito, lumitaw rin ang mga usaping moral at etikal. Bagaman tiniyak ng Cortical Labs na ang kanilang mga neuron ay lab-grown at walang kamalayan, hindi maiiwasan ang tanong na hanggang saan ang limitasyon ng pagsasanib ng buhay na cells sa teknolohiya?

 

COMPUTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with