Tanong ukol sa service incentive leave (SIL)
Dear Attorney,
Kailangan bang isang taon ka ng regular bago ka maging entitled sa service incentive leave (SIL)? One year and two months na ako sa company (six months probationary, eight months regular). Ayon daw po kasi sa company policy, kailangang one year ng regular para makapag-claim ng SIL o ng cash equivalent nito. Tama po ba ang sabi sa akin? —Rene
Dear Rene,
Nakasaad sa Article 95 ng Labor Code na “[e]very employee who has rendered at least one year of service shall be entitled to a yearly service incentive leave of five days with pay.”
Mapapansin na wala namang sinasabi ang probisyon na kailangang isang taon ng regular ang empleyado upang siya ay maging entitled sa service incentive leave. Malinaw na ang kailangan lang ay naka-isang taon na sa serbisyo ang empleyado.
Ibig sabihin, entitled ka na sa service incentive leave dahil ayon sa iyo ay isang taon at dalawang buwan ka na sa trabaho. Hindi na mahalaga kung iba ang company policy ninyo dahil kung salungat ang company policy sa batas, ang batas ang mananaig.
- Latest