^

Punto Mo

First Lady ang lihim na Presidente

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NAGKAROON kasi ng twist ang mga pangyayari. Si Woodrow Wilson, ika-28 Presidente ng United States ay nahalal noong 1913. Pagkatapos niyang dumalo ng global meeting sa Paris noong 1919, siya ay na-stroke pagbalik niya sa U.S.

Simula noon, siya ay naratay sa karamdaman kung saan hindi niya maigalaw ang kalahati ng kanyang katawan, nawalan ng kakayahang maglakad, makapagsalita at  makapagsulat. Sa kabila nito, hindi naman naapektuhan ang kanyang intellectual capacity.

May dalawang options na ibinigay ang mga adviser kay First Lady Edith Wilson: Una: Ipaalam sa publiko ang nangyari at i-give up ang pagiging Presidente. Ikalawa: Mag-take over si Edith Wilson at siya ang gumawa ng duties ng asawa.

Nagpasya si Edith at mga adviser na ilihim sa publiko ang nangyari kay Presidente Wilson at si Edith ang magiging acting President.

Ang sumunod na hakbang ay ipinaalam nila sa publiko na hindi na muna magpapakita sa publiko ang Presidente dahil magpopokus muna ito sa marami niyang gawain. Ibig sabihin, pansamantala muna siyang hindi makikipagkita sa press, sa kanyang Cabinet at sa publiko.

Lingid sa kaalaman ng publiko, si Edith ang naging acting President hanggang 1921. Paminsan-minsan, kinukunsulta niya si Woodrow Wilson kapag ito ay bumubuti ang pakiramdam. Walang kamalay-malay ang mga Amerikano na babae na pala ang kanilang Presidente ng mga panahong iyon. Pumanaw si Woodrow Wilson noong 1924 sa edad na 67.

FIRST LADY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with