^

Punto Mo

Col. Domingo, nag-uwi ng dalawang awards!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Nakangiti ngayon si Muntinlupa City police chief Col. Robert Domingo matapos maiuwi ang dalawang awards ng Southern Police District (SPD). Hinirang ni SPD director Brig. Gen. Manny Abrugena ang Muntinlupa City police na Exceptional at Top Performance in Crime Reduction sa ginanap na command conference ngayong Marso.

“My vision for the MCPS is to create a safer community for everyone,” ani Abrugena. “These awards are a testament to the æhard work and dedication of every officer in the department. We are committed to continuously improving our strategies and working tirelessly to protect the people of SPD,” sabi pa ni Abrugena.

Binigyan din ni Abrugena ng pagkilala ang iba pang police stations sa SPD subalit naiiba ang kay Domingo. Mismooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Naupo sa puwesto si Domingo noong Agosto 2024, at marami siyang proyekto na ipinatupad para panatilihin ang katahimikan sa siyam na barangays sa siyudad ni Mayor Ruffy Biazon.

Para maging epektib ang kanyang anti-crime programs, naglagay si Domingo ng police checkpoints sa mga boundaries ng Muntinlupa City sa kalapit na siyudad na Taguig City, Las Piñas City, Makati City at Parañaque City para pigilan ang mga kriminal na palipat-lipat ng pamumugaran.

Hindi lang ‘yan, sa suporta ni Biazon, lahat ng CCTV cameras ng barangay ay ikinabit sa itinayong command center ng MCPS kaya namomonitor ng pulisya ang kaganapan sa siyudad at napadadali ang pagresponde.

“Hindi nagkulang ang suporta galing kay Mayor Biazon, kaya’t masipag ang aking tropa na magtrabaho kontra kriminal,” ani Domingo. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang talaga!

Para suportahan ng komunidad ang.kanilang anti-crime programs, iniutos ni Domingo sa kanyang mga tauhan na ipatupad ang kanilang motto na, “We served with a smile.” Kaya ang bike patrollers ng Muntinlupa City police ay palaging nakangiti habang nag-iikot sa mga barangay, lalo na sa mahigit 100 eskuwelahan ng siyudad.

Para madagdagan ang kanilang police visibility, iniutos din ni Domingo na ang lahat ng mga pulis na naka-admin duties ay magpatrulya sa mga areas na iniatang niya para maranasan naman nilang mainitan o maulanan. Dipugaaa!

Kaya sa liderato ni Domingo, masaya ang mga pulis dahil pantay-pantay ang pagtingin sa kanila at walang kinikilingan sa trabaho. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding na may bangs!

Hindi pa ako tapos mga kosa, dahil sa mga innovative programs ni Domingo, bumaba ang crime rate ng Muntinlupa ng 24.44 percent, na ikinatuwa ni Biazon at Abrugena. Nangangahulugan lang na tumpak ang mga estrahiya na ipinairal ni Domingo, di ba mga kosa?

Sa period na sinaklaw ng award, top performance ang MCPS sa buong SPD sa pag-implement ng search warrant na nagbunga sa pagkaaresto ng walo katao, pagrekober ng walong armas at P680,000 halaga ng shabu. Mayroon ding accomplishments sa iba pang kriminalidad pero mas mataas ang iba pang police stations.

Teka, teka, nagtayo rin si Domingo, sa tulong ng Comelec, ng checkpoint operations sa Alabang, ang mukha ng siyudad, para pigilin ang paglabas-masok ng armas bilang preparasyon sa midterm elections. Sanamagan!

May nakitang lapses si Domingo sa kanyang trabaho subalit nangako siyang ipa-finetune niya ito para sa katahimikan ng siyudad ni Biazon, na unopposed sa darating na election. Abangan!

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with