^

Punto Mo

‘Pala’ (Part 5)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SI Mam Socorro!’’ nasabi ni Itay nang makita ang tumatawag.

“Sino siya Itay?” tanong ko.

“May-ari ng lupa na katabi nitong tinitirahan natin. Mayaman yan.”

“Ah.’’

Bumaba si Itay. Sumunod ako sa kanya.

“Magandang umaga po Mam Socorro. Ano po ang kailangan mo?’’

“Magandang umaga naman, Fred. Kumusta kayo?”

“Mabuti naman po, Mam Socorro.”

“Binisita ko ang aming lupa at nakita kong nakatiwangwang lang. Meron ka bang kilala na puwedeng maglinis at kung maari ay hukayin ang mga tuod ng kahoy. Balak ko sanang gawing gulayan ang isang bahagi ng lupa. Gusto ko ring ipahukay ang pag-iigiban ng tubig. Meron nang dating hukay pero kailangan ay malaliman. Magbabayad ako kahit magkano basta magawa ang mga gusto ko. Alam mo kasi, mahilig ako sa mga gulay—sitaw, kalabasa, talong, mustasa, petsay at iba pa.”

Bigla akong nagpresenta.

“Ako po Mam Socorro. Kaya ko pong maghukay at maggarden na rin,” sabi kong walang gatol.

“Talaga? Anak mo ba siya Fred?’’ tanong ni Mam Socorro.

“Opo Mam. Siya po si Juanito.’’

“Kaya mong maghukay at mag-vegetable gardening?”

“Opo Mam. Ganyan po ginagawa namin sa school.’’

“Aba mabuti. Sige. babayaran kita kahit magkano. Puwede mo nang umpisahang linisan at hukayin ang mga sinasabi ko.’’

“Opo Mam!’’

Ang pala na napulot ko ang aking ginamit sa paglilinis at paghuhukay sa lupa ni Mam Socorro.

Hindi makapaniwala si Itay sa lakas ng loob ko na tumanggap ng responsibilidad. At lalo siyang nagtaka nang magawa ko ang mga ipinag-utos ni Mam Socorro. Iyon ay sa tulong ng napulot kong pala.

(Itutuloy)

SOCORRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with