‘Pala’ (Part 3)
BINITBIT ko ang pala pauwi. Sa una ay wala akong alam na gagawin sa pala. Ano ba ang maaaring magawa sa kalawanging pala na putol pa ang handle. Pero pinagtiyaan kong bitbitin pauwi.
Habang naglalakad ay naisip ko kung paano nagkaroon ng pala sa gilid ng kalsada. Maaring ang pala ay pag-aari ng isang trabahador sa kalsada. Maaring tagahalo ng semento.
Nang masira ang pala ay iniwan na lamang dun. Natatandaan ko, mga limang taon na ang nakalilipas mula nang gawin ang kalsada. Natatandaan ko, napakaputik pa ng kalsada noon. Mga kalabaw na ginagamit sa pag-araro ang dumadaan. Bihira ang mga dumadaang sasakyan dahil maputik. Kaya biglang sumaya ang mga tao nang mabalitaang isesemento na ang dating maputik na kalsada.
Maraming trabahador ang kinuha. Pawang naghahalo ng semento at ang iba ay nagpapatag ng lupa. Mayroong nagtatabas ng damo.
Siguro nga isa sa manggagawa ang may-ari ng pala na napulot ko. Dahil sira na ang handle, iniwan na lang sa gilid ng kalsada.
Pagdating sa bahay, nakita ni Itay ang bitbit kong pala.
“Ano yan, Juanito?’’ tanong ni Itay.
“Pala po—nakita ko sa gilid ng kalsada.
Kinuha ni Itay sa kamay ko ang pala.
Sinuri-suri.
“Aayusin ko. Lalagyan ko ng handle,” sabi ni Itay.
“Sige po Itay.’’ (Itutuloy)
- Latest
















