^

Punto Mo

Hindi isinulat na ­pagbabayad ng interest, puwede bang makalusot?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Dear Attorney,

Tama ba na hindi kikita ng interest ang ipinautang ko dahil walang kasulatan tungkol sa pagbabayad ng interest? Paano kung wala naman akong alam sa batas at wala naman akong abogado para magpayo sa akin? —Glen

Dear Glen,

Oo, unenforceable o hindi maipapatupad ang pagpapatong ng interest kung hindi nakasulat ang kasunduan ukol dito.

Hindi maaring idahilan  na wala kang alam sa batas kaya dapat ay “excused” ka sa pagsunod nito. Malinaw ang Article 3 ng Civil Code: “[i]gnorance of the law excuses no one from compliance therewith.” Ibig sabihin, kailangang masunod ang batas at hindi maaring palusot ang kawalan ng kaalaman tungkol dito.

Hindi rin pinayagan ang Korte Suprema sa kaso ng Rolando Dela Paz v. L&J Development Company (GR No. 183360, September 8, 2014) na gawing “exception” ang kawalan ng kaalaman sa batas para sa pagpapataw ng interest na hindi naman nakasulat.

Ayon sa Korte Suprema, kasama na sa pagiging “prudent” o maingat ang pagsisigurado na nakalagay sa isang kasulatan ang lahat ng napagkasunduan sa isang kontrata, kabilang na ang pagbabayad ng interest.

Dagdag pa ng Korte Suprema sa nabanggit na kaso na hindi nito maaring bantayan ang lahat ng galaw ng isang indibidwal at iligtas ito mula sa mga maling desisyon kung wala namang nangyaring paglabag sa batas.

Kaya dapat ay nag-iingat sa mga kasunduang pinapasukan, kabilang na ang bawat kasunduang nakapaloob doon dahil iyon ang magtatakda ng mga obligasyon mula at para sa bawat partido.

DEBT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with