^

Punto Mo

‘Labaha’ (Part 10)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGTAGO ako sa gilid ng cabinet makaraang patayin ang kandila. Si Inay ang lumabas sa kuwarto. Naamoy niya ang usok ng kandila kaya hinanap kung saan nangga­galing.

Binuksan ang ilaw.

Nakita ako ni Inay na nakasiksik sa cabinet.

“Anong ginagawa mo riyan, Paul?’’ tanong nito.

Nagsinungaling ako. Mabilis akong nakaisip ng paraan.

“Hinahanap ko ang eraser sa cabinet Inay.”

“E bakit diyan mo hinahanap? At bakit hindi mo buksan ang ilaw? Nagsindi ka pa ng kandila e kung mapadikit yan sa kurtina.’’

“Sa cabinet ko po huling nakita ang eraser, Inay.’’

Tiningnan ako nang tuwid ni Inay.

Binabasa kung nagsasabi ako ng totoo.

“Walang eraser diyan dahil nilinis ko yan kamakalawa. Inalis ko lahat ng mga hindi pakikinabangan diyan.’’
Hindi na ako nagsalita.

“Matulog ka na at bukas ng umaga ay tutulu­ngan kitang maghanap sa eraser.’’

“Opo, Inay.’’

“Akina ang kandila.’’

Ibinigay ko.

Pumasok na ako sa kuwarto naming ng kapatid ko.

Bukas, ipagpapatuloy ko ang paghahanap sa kinamumuhian kong labaha! Hindi ako titigil hangga’t hindi iyon nakikita! (Itutuloy)

HIDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with