^

Punto Mo

EDITORYAL - Mabagal ang hustisya sa mga pinatay na journalists!

Pang-masa
EDITORYAL - Mabagal ang hustisya sa mga pinatay na journalists!

SABI ng New York-based Committee to Protect Journalists (CPJ), wala raw napatay na journalists sa Pilipinas noong nakaraang taon. Ito ay sa kabila na idineklara nilang ang 2024 ay pinakamapanganib na taon sa media workers. Ayon sa CPJ, 124 mamamahayag ang pinatay noong 2024 at pinakamarami ay sa Gaza. Tinatayang 82 Palestinians journalists ang pinatay noong nakaraang taon sa Gaza.

May isang pinatay na mamamahayag sa Pilipinas noong Oktubre 2024 subalit dahil ang pagpatay ay hindi related sa trabaho, hindi ito ibinilang ng CPJ na kaso.

Ang biktima ay nakilalang si Maria Vilma Rodriguez, 56, ng Bgy. Tumaga, Zamboanga City. Nakaupo sa harapan ng tindahan ng kanyang ina si Rodriguez nang pagbabarilin nang malapitan. Mabilis na tumakas ang suspek. Isinugod sa ospital si Rodriguez subalit dead on arrival ito. Si Rodriguez ay reporter ng Brigada Station at host ng public affairs program ng 105.9 EMedia Radio. Umano’y may kinalaman sa hatian ng property ang motibo.

Wala ngang pinatay na mamamahayag noong 2024 na may kaugnayan sa kanilang trabaho pero sa termino ni Presodent Ferdinand Marcos Jr., limang journalists ang pinatay. Ang mga kaso ay hindi pa nabibigyan ng hustisya. Uhaw na uhaw na ang mga kaanak ng biktima sapagkat hindi pa naisisilbi ang hustisya.

Noong Setyembre 18, 2022, pinatay ang radio broadcaster na si Rey Blanco ng Mabinay, Negros Oriental. Pinagsasaksak siya habang patungo sa pinaglilingkurang radio station. Hindi pa nahuhuli ang killer ni Blanco.

Noong Okt. 3, 2022, binaril at napatay ang veteran broadcaster na si Percy Lapid habang patungo sa kanyang tanggapan sa Talon Dos, Las Piñas. Hindi pa naaaresto si dating BuCor director Gerald Bantag na “utak” sa krimen.

Noong Mayo 31, 2023, binaril at napatay ang broadcaster/commentator na si Cresenciano Bunduquin ng Bgy. Sta. Isabel, Calapan City, Oriental Mindoro. Nasa loob ng kanyang sari-sari store ang mamamahayag nang pasukin at pagbabarilin ng lalaking nakamotorsiklo. Hindi pa rin nalulutas ang kaso.

Noong Nobyembre 5, 2023,  pinagbabaril ang radio broadcaster na si Juan Jumalon sa Calamba, Misamis Occidental. Hindi pa nahuhuli ang pumatay kay ­Jumalon.

Katarungan ang hinihiling ng mga kaanak ng pinaslang na mamamahayag. Pakilusin ng gobyernong Marcos ang Philippine National Police (PNP) para matunton ang “utak” ng krimen at ang killer. Hanggang kailan maghihintay sa inaasam na hustisya?

COMMITTEE TO PROTECT JOURNALISTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with