Life lessons
• Akala mo lang ay busy sila kaya wala silang oras sa iyo, pero ang totoo, hindi ka nila priority.
• Huwag malito sa pagkakaiba ng “personality” at “attitude”. Ang personality ay ang totoo niyang ugali. Samantalang ang attitude ay ugaling ipinakita niya, matapos ang kanyang pakikipag-interaksiyon sa ibang tao.
• Ang madalas maligaw sa daan ay ‘yung mahilig dumaan sa “shortcut” dahil mainipin at kulang sa tiyaga.
• Kapag nagpokus sa problema, lalo lang dumarami ito. Mas mainam na magpokus sa solusyon dahil kasunod nito ay maraming oportunidad.
• Ang mga walang ambisyon/tamad ay mahilig gumawa ng drama na madalas ay nagdudulot ng kaguluhan sa pamilya/barkadahan/workplace. Kaya sumama ka sa mga taong may mataas na pangarap na alam ang gustong mangyari sa kanilang buhay.
• Pag-aralan kung kailan ka dapat tumanggi. May mga taong walang kahiya-hiya sa katawan at mahilig mang-abuso ng kabaitan ng kapwa.
• Minsan naitatanong mo sa sarili kung bakit biglang nilayuan ka ng mga kabarkada kahit wala kang maisip na dahilan. Una, hindi sila kaibigan at nagkukunwari lang; pangalawa nainis sila sa iyo dahil isang kahilingan ang iyong tinanggihan. Nahalata nila na mahirap ka nang manipulahin. Hindi ka nila mauto.
• Huwag maliitin ang taong hindi pumapatol sa mga kamalditahan mo. Tahimik lang siya sa pag-iisip kung paano ka niya gagawan ng “surprise attack”. Basta ka na lang niya “patutumbahin” nang walang kalaban-laban.
- Latest