^

Punto Mo

EDITORYAL — Samsamin ang loose firearms

Pang-masa
EDITORYAL — Samsamin ang loose firearms

SABI ng National Capital Region Police Office (NCRPO), 19.61 percent ang ibinaba ng krimen sa Metro Manila sa buong Enero. Mas mababa umano ito kaysa noong nakaraang taon sa kaparehong buwan.

Maaring sa Metro Manila ay mababa ang mga naitatalang krimen subalit sa probinsiya ay hindi ganito ang nangyayari. Mas magiging panatag ang lahat kung sa buong bansa ay mababa ang krimen.

Naghahatid ng takot ang mga nagaganap na pamamaril na ginagawa kahit sa kaliwanagan ng araw at sa karamihan ng tao. Walang takot kung sumalakay ang riding-in-tandem at binabaril na parang manok ang target at saka tatakas.

Nasaan ang sinasabing PNP checkpoint at hindi nahaharang ang riding-in-tandem? Ni minsan, wala pang mga criminal na nahaharang sa checkpoint ng PNP. Nalulusutan ang checkpoint.

Noong Biyernes, pasadong alas diyes ng umaga, pinagbabaril at napatay ng riding-in-tandem ang opisyal ng Land Registration Authority (LRA) sa Zamboanga City. Nakasakay sa kanyang pickup truck si Jaybee Robert Baguinda, 57, chief ng Register of Deeds at papasok na sa compound ng LRA nang salubungin ng isang lalaki at pinagbabaril gamit ang .45 caliber pistol. Pagkatapos barilin, mabilis na tumakbo ang gunman patungo sa naghihintay na motorsiklo. Nakatakas ang mga suspect at hanggang ngayon ay tinutugis ng pulisya.

Pawang baril ang ginagamit sa paggawa ng krimen. Mai-imagine kung gaano karaming loose firearms sa bansa. Halos araw-araw ay may naitatalang krimen na ang ginamit ay baril. Ibig sabihin, maraming baril na illegal na nakakalat sa bansa.

Hindi na nakapagtataka na maski ang isang karaniwang jeepney driver ay may dalang baril habang namamasada at kapag may nakaaway siya dahil sa gitgitan sa trapiko ay mamamaril.

Nararapat paigtingin ng PNP ang paghanap at pagsamsam sa mga baril. Hindi ba’t may intelligence fund sila para matunton ang mga nagmamay-ari ng baril? Gamitin ito. Ngayong papalapit na ang May 2025 elections, tiyak nang lulutang ang mga baril lalo na ang private army ng mga pulitiko.

Ituloy naman ng PNP ang isinasagawa nilang “Oplan Katok” bilang bahagi ng seguridad na pinatutupad para sa nalalapit na election. Ang “Oplan Katok” ay isinasagawa ng mga pulis sa mga indibidwal na paso ang rehis­tro ng baril.

Pagsikapan ng PNP na masamsam ang mga baril na iniingatan ng mga pulitiko para matiyak na magiging mapayapa ang election sa Mayo. Kung walang baril, walang kaguluhan.

LOOSE FIREARMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with