^

Punto Mo

Ang babaing dati niyang iniibig

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

BIGLANG may pumasok na babae sa aming bahay. Ang aking ama na nakaupo sa salas ay nahalata kong nabigla.

“Kumusta?” bati ng babae.

Kahit nabigla ay nakabawi kaagad ito kaya pakaswal na sinagot ang pangungumusta ng babae.

“Mabuti. O, kailan ka umuwi?”

Nasa sulok ako ng salas dahil nag-aaplay ako ng floorwax. Napatingin ang babae sa akin.

“Ngayon lang. Nakasalubong ko ang misis mo papunta sa palengke at sinabing narito ka nga raw. Dumaan ako para silipin itong bago mong bahay.”

Nagpalinga-linga ang babae na tila isang inspector, bago nagsalita ulit. “Hmm…marami pa palang kulang dito sa bahay mo. Hindi pa pala kumpleto. Akala ko kanina  ay bodega ng palay.”

May nakapa akong “bitterness” sa boses ng babae. “Bitter” dahil hindi siya ang pinakasalan? Kaya dinaan na lang sa pamimintas. Muli akong tiningnan ng babae.

“Katulong mo?”

Bigla akong napatayo. ‘Langhiya ang babaing ito, saloob-loob ko lang. Pinintasan na nga ang bahay namin, tapos, ako naman ang pinagdiskitahan. Ang tatay ko ang nagsalita. Halatang pigil na pigil ang inis.

“Siya ang panganay ko. Sa UST siya nag-aaral. Campus  writer yan at matalino. Ang mga anak mo, saan nag-aaral?”

Kung makatalino naman ang tatay ko, parang hindi pinuputakti ng “3” ang grades ko. Gusto kong humagalpak ng tawa. Pero iyon lang ang paraan niya para rumesbak sa “rudeness” ng babae. Hindi sumagot ang babae. Ipinagpatuloy ang small talk. Maya-maya ay nagpaalam.

Ang babae ay ex-girlfriend ni Tatay. Kababayan namin siya pero sa ibang probinsiya naninirahan. Nagkataong may dinadalaw ito sa aming neighborhood at nagkita sila ng aking ina. Nang makita sigurong paalis ang aking ina, nagbakasali itong nagpa-charming sa aking ama kaya pumasok sa aming bahay. Pero minalas, naroon ako.

Ayon sa aking mga naririnig mula sa matatanda ng pamilya, tatay ko ang unang umayaw sa babae. Hindi ko na kailangang tanungin si Tatay kung may katotohanan ‘yun. Kung may babaing kaibig-ibig, yung babaing bumisita sa amin ay tunay na “kaayaw-ayaw” ang pagkatao.

PAG IBIG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->