VP Sara sumadsad trust, approval ratings
MANILA, Philippines — Sumadsad ng 12 puntos ang trust at approval ratings ni Vice President Sara Duterte noong Nobyembre.
Base sa isinagawang survey ng Pulse Asia na inilabas nitong weekend, ang trust rating ni VP Sara noong nakaraang buwan ay nasa 49% na lamang, mula sa dating 61 noong Setyembre, na 12% point decline.
Samantala, 10% naman ang ibinaba ng kanyang approval rating, mula sa nasa 50% noong Nobyembre at 60% noong Setyembre.
Nabatid na isinagawa ng Pulse Asia ang naturang survey noong nakaraang buwan, sa kasagsagan ng paghahain ng impeachment complaints laban sa bise presidente na nag-ugat sa mga umano’y iregularidad sa paggamit ng kanyang tanggapan ng confidential funds at pagbabanta laban kina Pang. Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Ang naturang pinakahuling Pulse Asia survey ay mayroong 2,400 sample size at may ±2 percent na margin of error.
- Latest