^

Punto Mo

Legal ba ang 2 buwan na rendering period?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Tanong ko lang po kung legal po ba ‘yung two months rendering pagkatapos magpasa ng resignation at kung hindi raw magre-render ay pagbabayarin ang empleyado? — Juliano

 

Dear Juliano,

Hindi naman ipinagbabawal ng batas ang dalawang buwan na rendering period, basta malayang nagkasundo ang empleyado at employer ukol dito.

Kaya kung malinaw na nakasaad sa employment contract mo na kailangan mong mag-render ng dalawang buwan matapos mong ipasa ang iyong notice to resign ay wala kang magagawa kung hindi sundin ito para makaiwas sa anumang gusot na maaring idulot ng hindi mo pagsunod sa kontrata.

Ngunit hindi naman tama na pilitin kang mag-render ng two months kung matagal ka na sa trabaho at ngayon lang itinakda ng iyong employer na dalawang buwan pala dapat ang rendering period ng mga nagre-resign na empleyado.

Hindi basta-basta maaring baguhin ang mga napagkasunduan sa isang kontrata kaya may karapatan kang hindi sumunod sa two months na rendering period kung wala kayong napagkasunduan na ganyan ng iyong employer noong pinirmahan mo ang iyong employment contract, o kung wala ka namang nakasulat na employment contract.

Kaya kung wala namang nakasulat sa iyong employment contract ukol sa tagal ng rendering period o kung wala ka namang written contract, 30 days lamang ang dapat na itagal ng iyong rendering period, alinsunod sa Labor Code.

RENDERING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with