^

Punto Mo

Mayang (70)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Walang sinayang na panahon si Jeff at agad siyang nagpunta sa bahay ni Mam Araceli sa Hidalgo St. May sasabi­hing mahalaga sa kanya ang mabait na guro—maaring nalaman na nito ang kinaroroonan ni Mayang.

Mula sa gate ng tinitirahang apartment ay natanaw ni Jeff si Mam Araceli. Hinihintay siya.

Nang kumatok si Jeff sa gate ay dali-daling lumabas si Mam para buksan ang gate. Masigla na si Mam Araceli, napansin ni Jeff. Hindi katulad ng una niyang nakita na parang may pasaning dinadala. Siguro’y dahil sa iniindang sakit na breast cancer.

“Ang bilis mo naman Jeff!’’ sabi ni Mam nang makapasok siya sa loob. Isinara ni Mam ang bakal na gate.

“Excited po ako sa sasabihin mo Mam,’’ sabing naka­ngiti ni Jeff.

“Nakikita ko nga sa ­ekspresyon ng mukha mo. Halika rito sa loob.’’

Pumasok sila sa bahay.

“Wala ka na naman yatang kasama, Mam?’’

“Nasa work ang pamangkin ko at ang mga anak ay nasa school.’’

“Napansin ko Mam na masigla ka ngayon.”

“Ay oo. Mayroon kasing nangyaring himala sa akin, at isa iyon sa ibabalita ko sa’yo. Pero mas matutuwa ka sa ­ibabalita ko tungkol kay Mayang.’’

“Talaga po?’’

“Uunahin ko muna ang himalang nangyari sa akin, Jeff.’’

“Sige po Mam. Sabik din akong malaman ang tungkol sa himala.’’

“Cancer free na ako, Jeff! Tiniyak ng doktor na hindi na ako ooperahan dahil nawala na ang bukol!’’

“Purihin ang Diyos sa nangyari sa iyong himala Mam.’’

“Salamat Jeff. Alam ko pinagdasal mo ako.’’

“Totoo po Mam. Hiniling ko na pagalingin ka.’’

“Napakabait talaga ng Diyos!’’

“Lahat po nang dasal ay dinirinig Niya.’’

“Pati ang dasal mo ukol kay Mayang ay dininig Niya Jeff.’’

“Totoo po?’’

“Oo.’’

“Ano po ang tungkol kay Mayang, Mam.’’

“Alam ko na kung saan siya matatagpuan!’’

“Saan po Mam,’’ sabik na si Jeff na malaman kung nasaan si Mayang.

(Itutuloy)

MAYANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with