^

Punto Mo

Akusasyon ng extortion vs PNP sa POGO raids, tinapos ng EO 74!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MABUBURA na ang lahat ng akusasyon ng extortion at misdeclaration ng narekuber na pitsa laban sa Philippine National Police tuwing may raid sila sa POGO hubs. Salamat sa Executive Order 74 na ipinalabas ni President Bongbong Marcos. Open secret naman ‘yan mga kosa na nagturuturuan at nagsisihan ang mga ahensiya ng gobyerno kapag may palpak na raid vs POGO hubs at ang kawawa palagi ay ang imahe ng PNP.

Hindi lang ‘yan, kapag nag-imbento naman ang mga abogado ng POGO hubs ng kung anu-anong isyu, tulad ng extortion at natapyas na pitsa, ang PNP ang kawawa. At nagbunga ito ng suspension, demotion, at iba pang kaparusahan sa ilalim ng batas ng PNP. Mayroon pa ngang heneral na na-dismiss. Araguyyy! But not anymore!

Dahil sa EO74 ni BBM, may kanya-kanyang role na ang mga ahensiya ng gobyerno at maging ang PNP kaya’t synchronized na ang lahat ng raid. Goodbye na lang sa extortion at misdeclaration ng narekober na pitsa. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang huling biktima ng POGO hubs ay sina Maj. Gen. Sidney Hernia at Maj. Gen. Ronnie Cariaga. Nasibak sila matapos ma-raid ang Vertex Technologies na nakasilong sa Century Peak Tower sa Adriatico, Manila. Hindi namalayan nina Hernia at Cariaga na “bagyo” pala sa Palasyo ang “ninong” nitong Vertex Technologies kaya’t hayun sa kangkungan ang bagsak nila.

Hindi umubra ang pangako sa kanila ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, di ba mga kosa? Kung sabagay, hindi na mauulit itong sitwasyon nina Hernia at Cariaga dahil sa EO74 ni BBM, di ba mga kosa? Ganun na nga! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa ilalim ng EO74 ni BBM, na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, may kanya-kanyang role ang mga ahensiya ng gobyerno para puksain ang POGO, na binigyan ng hanggang katapusan ng December para lumayas sa Pinas. Araguyyy!

Bilang licensing authority ng gambling at gaming places, ang Pagcor ang mangunguna sa laban vs POGO. Nasa wing nito ang Aurora Special Economic Zone, ang Freeport Area of Bataan, Department of Finance, at Anti-Money Laundering Council.

Ang technical working group ay pangungunahang muli ng Pagcor at ang mga miembro ay DOLE, DOF, DTI, DBM, DSWD, DICT, at NEDA. Hayan, swak sa banga na ang mga POGO hubs dahil kumpleto-rekado na ang ahensiya ng gobyerno na hahabol sa kanila.

Kaya kayang lusutan ng mga ‘untouchable’ POGO operators na sina alias KW at WK, ang nakalinyang ahensiya ng gobyerno na hahabol sa kanilang negosyo? Dipugaaa!

Sa enforcement side naman ang TWG ay pangungunahan ni PAOCC chairman USEC Gilbert Cruz, at ang miembro n’ya ay ang Dept. of Justice, DILG, PNP, Bureau of Immigration, NBI, AMLC, Securities and Exchange Commission at Cagayan Economic Zone Authority. Ang mga hepe ng mga ahensiya ay maglalagay ng permanenting representante sa TWG ni Cruz at dapat ang rangko ay hindi bababa sa Assistant Secretary. Personal ilang magdesisyon para sa kanilang amo. Ang sakit sa bangs nito.

Habang papalapit ang deadline para lumayas sa Pinas ang mga POGO, patuloy naman ang pagpa-deport ni Cruz ng mga workers, na karamihan Chinese nationals, na inaresto ng PAOCC sa iba’t ibang panig ng bansa. Kahapon, lumulan sa eroplano ang 57 naaresto sa Tourist Garden hotel sa Lapu-lapu City; 2 sa Smartwed Nasddake sa Pasay City; 2 sa Fontana/Clark Dev’t. Corp. sa Pampanga; 7 sa Zun Yuan, sa Bamban, Tarlac; at 122 sa 3D Analyzer Kemberhi sa Pasay City. Abangan!

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with