^

Punto Mo

Ultimate fan ni Selena, nakatanggap ng Guinness record dahil sa memorabilia collection nito!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Texas, USA ang nagtagumpay na makapagtala ng world record dahil sa kanyang koleksyon ng 1,308 pieces ng mga memorabilia na may kaugnayan sa yumaong pop star na si Selena Quintanilla.

Si Andrew Longoria, residente ng Lake Jackson, ay nag-submit ng application sa Guinness World Records matapos niyang mabilang ang kanyang koleksiyon.

Kinumpirma ng Guinness na nakuha ni Longoria ang titulong “Largest Collection of Selena Memorabilia” dahil ang 1,308 memorabilias nito ay officially licensed lahat at walang peke.

Kasama sa mga koleksiyon ni Longoria ay ang mga album, tote bag, T-shirt, manika, at official-branded Selena maong pants.

Naging tagahanga si Longoria ng sikat na mang-aawit noong 1997, matapos siyang bilhan ng kanyang lola ng CD na “Dreaming of You,” dalawang taon matapos mamatay si Selena.

Ayon kay Longoria, ang kanyang pagkahilig sa ­pangongolekta ay impluwensiya ng kanyang lola na may malaking koleksyon ng mga memorabilia ni Elvis Presley.

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with