^

Punto Mo

Mga ‘multo’, nagtipun-tipon sa isang mall sa England para sa Guinness World record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang shopping mall sa Dorchester, England, ang nagtangkang makamit ang kakaibang world record sa pamamagitan ng pagtipon ng mga tao na naka-costume ng multo!

Ang naturang event ay ikalawang attempt na ng shopping mall na Brewery Square Dorchester upang makapagtala ng Guinness World Record para sa titulong “Largest Gathering of People Dressed as Ghosts”.

Sa kanilang unang attempt noong Halloween 2023, ­umabot lamang sa 204 na kalahok ang sumali dahil sa malakas na ulan.

Kasabay ng record attempt, magkakaroon ng live music at sayawan para sa mga dadalo. Ngunit sa kasamaang palad, hindi na naman na-achieve ng Brewery Square ang record dahil 346 katao lang ang dumalo.

Ayon sa kanilang official Instagram account, kinulang ang participants para matalo ang kasalukuyang record holder.

Ang kasalukuyang record ay may 1,024 katao at naitala ito sa Japan noong Agosto 2023. Bago ito, hawak ng Mercy School Mounthawk sa Tralee, England, ang record na may 560 katao noong 2017.

MULTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with