^

Punto Mo

Mayang (22)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Ae kausapin mo po ang principal ukol kay Mam Araceli­. Pasok ka po sa room niya, Sir,’’ sabi ng babaing naka­usap ni Jeff.

“Salamat.’’

Tinungo ni Jeff ang opisina ng principal.

Kumatok siya.

“Pasok po,’’ narinig niya mula sa loob.

Pumasok siya.

“Magandang umaga po Mam,” bati ni Jeff.

“Magandang umaga naman. Maupo ka po. Ano po ang kailangan?’’

Naupo si Jeff.

“Itatanong ko lang po kung nagtuturo pa rito si Mrs.  Araceli?”

Saglit nag-isip ang principal.

“Nag-early retirement na si Mam Araceli.”

“Kailan pa po?’’

“Mga six months na siguro. Kasi may sakit siya.”

“Ganun po ba?’’

“Nanghinayang nga kami dahil mahusay siyang guro. Napakabait pa sa estudyante. Kaya lang ay talagang kaila­ngan na niyang tumigil.’’

“Saan ko po ba siya matatagpuan?’’

“Ang alam ko nasa Maynila na siya dahil nagpapa­gamot.’’

“Puwede ko po makuha ang address niya?”

“Oo. Teka at hahanapin ko sa cell phone ko pati number niya.’’

Pagkaraan ng ilang minuto binigay sa kanya ang address ni Mrs. Araceli.

Nagpasalamat si Jeff at nagpaalam. (Itutuloy)

vuukle comment

MAYANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with