^

Punto Mo

Hamon sa bagong DILG chief

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MABIGAT ang responsibilidad na nakaatang sa secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG). Hindi lamang ang local government ang kanyang nasasakupan kundi pati na rin ang pambansang pulisya. Hindi puwede sa posisyong ito ang tatamad-tamad o nagbababad sa malamig na opisina. Kailangan sa posisyong ito ay taong punumpuno ng aksiyon. Kung walang aksiyon, hindi uubra sa tanggapang ito. Hindi rin puwedeng mamuno rito ang paudlut-udlot na pagdedesisyon.

Nanumpa kay President Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong secretary ng DILG si Cavite Governor Jonvic Remulla noong Martes. Pinalitan ni Remulla si dating DILG secretary Benhur Abalos na tatakbong senador. Sabi ni Remulla, tinanggap niya ang hamon ni President Marcos na pamunuan ang DILG para makatulong hindi lamang sa kanyang probinsiya kundi sa buong bansa. Pinasalamatan niya ang kanyang mga kababayan sa Cavite dahil sa pagsuporta sa kanya sa loob ng 29 na taon.

Maraming kahaharapin si Remulla sa bagong kabanata ng kanyang buhay bilang DILG secretary. Kung magaan niyang napagtagumpayan ang pagsisilbi sa kanyang mga kababayan sa Cavite, maaaring sa DILG ay maraming balakid siyang kahaharapin at kailangan niya itong malusutan. Kapag nalusutan niya ang mga hadlang, magiging daan ito para mangarap pa siya sa mas mataas na posisyon. Sa DILG matetesting ang kanyang galing.

Ipinangako ni Remulla na ipasasara niya ang lahat ng POGOs, kabilang na ang nasa Island Cove na dati nilang pag-aari. Ibinenta na umano nila ang Island Cove noong 2018. Ipatutupad umano niya ang kautusan na bago matapos ang 2024 ay wala nang POGO sa bansa.

Masusubok ang galing ni Remulla sa mga naglipanang POGOs. Sa kasalukuyan, marami pang illegal POGOs at sa probinsiya inilipat ang kanilang operasyon. Sa kabila na sinasalakay ng PAOCC ang mga POGO hubs, marami pa rin ang patagong nag-ooperate at patuloy sa pang-i-scam at pambibiktima online.

Isa sa maaring mahirapan si Remulla ay ang pagpapatino sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP). Maraming scalawags na pulis na lumilinya sa recycling ng illegal drugs, kidnapping, extortion at iba pang masamang gawain na naging dahilan para bumaba ang imahe ng pambansang pulisya.

Pero sabi ni Remulla, kaya niyang patinuin ang mga pulis. Enforcement lang ang kailangan.

Inaasahan ang mga gagawing pagbabago ni Remulla sa DILG. Kapag nagawa niya ang mga ito, marami ang hahanga sa kanya.

DILG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with