^

Punto Mo

‘Ilang-Ilang’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Last part)

NAILIGTAS ni Tatay si Inay. Hinang-hina raw si Inay. Isinakay niya ito sa punong ilang-ilang na maraming sanga at saka siya nagsagwan nang nagsagwan. Hanggang sa mapadpad sila sa mababaw na bahagi ng ilog.

Humingi ng tulong si Tatay sa mga taong nasa pampang. Tulung-tulong ang mga tao na binuhat si Inay sa pampang. Nakainom ng tubig si Inay pero naisuka rin at ganap nang nanauli ang lakas.

Kumalat sa buong nayon ang nangyari kina Tatay at Inay. Sabi ni Tatay sa mga nagtanong kung paano nakaligtas, dahil sa ilang-ilang. Utang nila ni Inay ang pagkakaligtas dahil sa punong ilang-ilang.
Natuloy ang kasal nila pagkaraan ng tatlong araw. Ang simbahan ay pinalagyan ni Tatay nang maraming bulaklak ng ilang-ilang. Mula rin noon, nagtanim nang nagtanim ng ilang-ilang si Tatay sa kanyang lupain. Iyon ay bilang pagtanaw ng utang na loob sa ilang-ilang na nagligtas sa kanila ni Inay. Hanggang ngayon, mara­ming ilang-ilang sa aming lupa sa probinsiya.

TATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with