^

Punto Mo

Mayang (5)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HALIKA! Pumanhik ka!’’ sabi ng matandang lalaki kay Jefferson nang hahakbang na siya paalis.

“Salamat po, Lolo.’’

Bumalik si Jefferson sa kubo. Nagtungo naman ang matanda sa may hagdanan at inabangan si Jefferson.

“Halika rito.’’

Umakyat si Jefferson sa hagdang kawayan na may apat na baytang. Lumangitngit ang hagdan.

Malinis at makintab ang sahig na kawayan nang makaakyat si Jefferson. Hindi niya maalala kung ito pa rin ang bahay nina Mayang. Pitong taon na ang nakalilipas at hindi niya ma-recall kung ito nga ang bahay. May bangko at mesa sa salas.

“Maupo ka,’’ sabi ng matanda.

Naupo si Jefferson.

“Salamat po Lolo. Siyanga po pala, ako po si Jefferson. Jeff po ang palayaw ko. Ikaw po Lolo, ano po pangalan mo?’’
“Lolo Nado.’’

“Ikinatutuwa ko po na makilala ka Lolo Nado.’’

Ngumiti si Lolo Nado at lumitaw ang iilang ngipin.

“Nagugutom ka Jeff? Mayroon ako ritong nilagang mais. Pasensiya ka na at iyan lamang ang maiaalok ko. Pero matamis naman ang mais dahil bagong pitas.’’

“Ay opo Lolo Nado. Gutom na nga po ako.’’

“Tayka at kukuha ako ng mais. Mainit pa dahil nakasalang sa abuhan.’’

Nagtungo ang matanda sa pinakakusina o banggerahan.

Inaalala muli ni Jeff kung ito ang bahay nina Mayang na narating niya pitong taon na ang nakararaan. Inihatid niya rito si Mayang. Kararating lang nila noon mula sa Dubai.

“Eto ang nilagang mais, Jeff,’’ sabi ni Lolo Nado. Nakalagay ang tatlong malalaking mais sa isang bandehado.

“Malalaki po ang mais. Mukhang masarap.’’

“Sige kain na.’’

Palibhasa’y gutom, dumampot ng mais si Jeff at kinain. Matamis. Halatang bagong pitas. Ngayon lang siya nakakain nang sariwang mais. Napakasarap! (Itutuloy)

vuukle comment

MAYANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with