^

Punto Mo

Lalaki na nakagawa ng artwork mula sa hibla ng papel, nakatanggap ng Guinness Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG Chinese origami artist ang nakapagtala ng world record matapos siyang gumawa ng artwork mula sa mahabang hibla ng papel!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Pei Haizheng ang world record holder ng titulong “Longest Strip Cut from One Sheet of Paper”.

Ito ay matapos siyang makagawa ng artwork mula sa isang piraso ng papel na ginupit nang manipis upang maging isang mahabang hibla na may habang 354 feet and nine inches.

Ang artwork na nagawa ni Pei mula sa hibla ng papel ay hugis utak at binigyan niya ng title na “Between Chaos and Order”.

Hindi naging madali para kay Pei na mabuo ito dahil inabot siya ng isang taon na pag-eensayo para maperpekto ang paggupit nang manipis sa isang pirasong papel nang hindi napuputol ang hibla nito.

Ayon kay Pei, nagsimula siyang gumawa ng mga artwork mula sa papel simula noong siya ay bata pa at natutunan niya ang paggawa ng origami.

Isang malaking achievement para sa kanya na magkaroon ng Guinness World Records na may kinalaman sa origami at paper artworks.

 

GUINNESS RECORD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with