‘Ilang-Ilang’ (Part 1)
NOONG nakatira pa kami sa probinsiya, ang aming bahay ay napapaligiran nang maraming puno ng ilang-ilang. Dahil sa katagalan na ng mga puno ay nagsipaglakihan ang mga ito at halos matakpan na ang aming bahay.
Pero walang mangahas na putulin ang mga puno dahil ang bilin nina Tatay at Inay ay huwag puputulin dahil magtatampo ang mga iyon at hindi mamumulaklak. Kaya ang kautusang iyon ay mahigpit na ipinatutupad. Sa pagkakatanda ko, may sampung puno ng ilang-ilang sa paligid ng aming bahay.
Naalala ko, kapag gabi ang mabangong ilang-ilang ang nasasamyo sa loob ng aming bahay. Natural na natural ang amoy. Sariwang-sariwa.
Natatandaan ko kapag nagbabakasyon ang mga pinsan ko mula sa Maynila ay sa balkonahe kami ng bahay nagkukuwentuhan at nasasamyo namin ang bango ng ilang-ilang.
Kung bakit mahalaga ang ilang-ilang sa aking tatay at nanay, ito ang aking ikukuwento. May mahalagang papel ang ilang-ilang sa kanilang pag-iibigan. (Itutuloy)
- Latest