Pinakamalaking charcuterie board sa buong mundo, ginawa sa Texas, U.S.A.!
Isang supermarket sa Austin, Texas ang nakapagtala ng world record matapos silang makagawa nang pinakamalaking charcuterie board sa buong mundo!
Kinumpirma ng Guinness World Records na ang Central Market ang pinakabagong world record holder ng titulong “World’s Largest Charcuterie Board” matapos silang makapag-assemble nito na may 1,032 pounds.
Ang charcuterie board ay isang platong pangmeryenda na puno ng iba’t ibang uri ng cold cuts tulad ng prosciutto, salami, chorizo, o ham.
Mayroon din itong keso, tinapay, prutas, mani, at iba pang appetizer. Ito ay karaniwang hinahain sa mga pagtitipon at sine-serve kasama ng wine o iba pang alak.
Ginawa ng Central Market ang malaking charcuterie board na ito para sa pagdiriwang ng kanilang 30th anniversary
- Latest