^

Punto Mo

‘Disyerto’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

(Last part)

MATINDI na ang sikat ng araw at uhaw na uhaw na ako. Nang tingnan ko ang aking relo, alas nuwebe na ng umaga. Wala akong makita na maaring silungan. Pawang pulang buhangin ang aking nakikita na may bakas ng tila gulong ng Wrangler jeep o big bike.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at umaasang may makikitang tao sa lugar na makatutulong sa akin para makauwi. Pero wala akong matanaw. Pawang buhangin.

Walang tigil ang pagdarasal ko na makaligtas. Naisip ko na kapag inabot ako ng alas dose ng tanghali, mamamatay ako sa matinding pagkauhaw. Nararamdaman ko na ang init na parang nasa harap ng kalan.

Isa pa ring ipinagdarasal ko ay huwag sanang magkaroon ng sandstorm sapagkat tiyak na mamamatay ako sa nag-aalimpuyong bagyo ng buhangin.

Uhaw na uhaw na ako at tila mawawalan na ng ulirat. Halos hindi na ako makagulapay. Gusto ko nang sumuko.

Hanggang makarinig ako ng ugong ng sasakyan. Pumarada sa harap ko ang isang 4x4 truck. Puting-puti ang suot ng Arabong drayber. Sinenyasan akong sumakay. Hirap na hirap ako.

Hindi ko na alam ang mga sumunod. Nang magising nasa kuwarto na ako at nakahiga. Binabantayan ako ng isa kong kasamahan sa trabaho.

“Nakita ka namin na nakadapa malapit diyan sa tirahan natin. Nawalan ka yata ng malay. Saan ka ba galing? Ilang oras kang nawala!’’ tanong nito.

Sinabi kong nawala ako sa disyerto at iniligtas ng isang taong puting-puti ang suot.

Nakamaang ang kasama ko. Hindi makapaniwala.

Mula noon, hindi na ako naglakad tuwing Biyernes. Hindi ko malilimutan ang karanasang iyon sa disyerto.

KARANASAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with