Quiboloy, itinutulak sa kapahamakan ang kanyang mga disipulo!— Gatchalian
HABANG tumatagal ang pagsuyod ng kapulisan sa compound ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy, dumarami ang bilang ng mga Pinoy na lumanding sa ospital. At wala pang makitang katapusan dito. At higit sa lahat, naging “propaganda war” na eh. Kaya para maiwasang dumanak ang dugo sa KOJC compound, dumarami rin ang bilang ng mga nanawagan na sumuko na si Quiboloy, at isa na dito si DSWD Secretary Rex Gatchalian.
Ayon kay Gatchalian, ang kanyang ahensiya ay handang protektahan ang mga Pinoy na walang kakayahang i-defend ang sarili, lalo na ‘yaong “who have less in life to secure more law.” “The department cannot remain silent in the face of the serious charges levelled against Quiboloy by prosecutors who found prima facie evidence to accuse him of serious violations of children’s rights and other breaches of the law under the Revised Penal Code,” ani Gatchalian. Mismooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sinabi ni PRO11 director Brig. Gen. Nicolas Torre III na tinutukan nila ang isang bunker kung saan may na-monitor na heartbeat ang gamit nilang ground penetrating radar. Hinahalughog sa ngayon ng mga pulis kung saan ang pintuan ng bunker para mapasok nila. Epektib ang GPR kapag may sakuna, tulad ng lindol, kung saan may mga taong natabunan ng guho ng building o landslide, dito kaya kay Quiboloy uubra ito?
Baka daanin sa dasal ni Quiboloy, na tinatawag ang sariling “Adopted Son of God,” at “Owner of the Universe” para pumalpak ang GPR. Dipugaaa! Puwedeng mangyari, di ba mga kosang KOJC members? Hehehe! Ang sakit sa bangs nito.
Ayon kay Gatchalian, dapat sumuko na si Quiboloy at ipasailalim ang sarili sa “rule of law” imbes na itulak ang mga disipulo niya sa kapahamakan. “Quiboloy must face squarely all the allegations thrown at him and by refusing to surrender, he is only fueling suspicions that he cannot refute those charges in a court of law,” ani Gatchalian.
“By not respecting court processes, Quiboloy shows he has become irrational and would rather engage in a prolonged confrontation rather than come out in the open and disprove the allegations for which he was indicted,” ang dagdag pa ng DSWD secretary. Eh di wow! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Napansin ni Gatchalian na mismong si President Bongbong Marcos ay nabahala sa mga kasong ang kababaehan ay nakaranas ng exploitation, sexual abuse at ‘yung pinagtrabaho sa mga “religious” at “charitable” causes kuno sa mahabang oras nang libre. Nasasaktan si BBM kapag ang inosente ay “suffer in silence and their rights tampled upon,” ani Gatchalian.
“The DSWD is mandated to protect innocent children and ensure than those who have been exploited will have justice, whether their abusers are ordinary citizens or religious leaders who are obliged by their faith to be morally upright, decent and beholden to the law,” ang giit pa ni Gatchalian.
“It is particularly painful when public figures, who should be champions of justice and defenders of the vulnerable, seem to downplay these horrific acts or align themselves with those accused of such egregious crimes.,” aniya.
Tinatawagan ng DSWD ang mga lider at mamamayan na suportahan ang mga legal processes upang ang mga inosente ay magkaroon ng hustisya, tungo sa programa ni BBM na ang mga kabataan ay hindi magdusa kundi magkaroon ng magandang kinabukasan. Abangan!
- Latest