Biggest drug haul ng MPD, sa liderato ni Gen. Ibay!
UMANI na naman ng pogi points si MPD director Brig. Gen. Arnold Thomas ‘Tom” Ibay matapos maaresto ng tropa n’ya ang dalawang drug pusher na nakumpiskahan ng limang kilo ng shabu na nagkakahalagang P34 milyon. Ito na ang pinakamalaking drug haul ng MPD mula mag-assume si Ibay. Mabubulok na sa kulungan itong mga suspects na sina Ardie Severa, alyas Boss, 30, at Jhon-Jhon Damil, alias Jho, 39 dahil non-bailable ang kaso nila sa droga pagkatapos may dala pa sila mga baril at granada. Dipugaaa!
Nakarekober na ng isang kilo ang tropa ni Ibay sa Sampaloc, at dalawang kilo naman sa Barbosa sa Quiapo at itong limang kilo na ang pinaka. Siyempre, pinuri ni NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez si Ibay sa magandang accomplishments n’ya laban sa droga. Eh di wow! Pang-RD na itong si Ibay. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sinabi ni Ibay na si Severa ay dating nakakulong sa National Bilibid Prisons sa Muntinlupa City samantalang si Damil naman ay sa City jail. Pinatutukan ni Lt. Col. Dionelle Brannon, commander ng MPD Station 6 sa Sta. Ana itong sina Severa at Damil dahil maraming nahuhuli nilang piyaet-piyaet na pusher at silang dalawa ang tinuturong source.
Sinabi ni Capt. Moises Garcia, SDEU chief ng Station 6 na maingat ang pagplano nila sa pag-aresto sa dalawa dahil armado sila. Handang lumaban ang mga ito dahil si Severa ay armado ng kalibre 45 pistol at granada samantalang si Damil ay bitbit naman ang kalibre .38 revolver. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Kaya lang, hindi nakaporma sina Severa at Damil matapos makorner ni Garcia at mga bataan niya sa isang buy-bust operation sa Del Pilar St., corner M. Roxas St, Bgy. 881 Zone 97 sa Sta. Ana ng bandang 9:55 p.m. noong Agosto 23. Behhhh buti nga!
Nakumpiska sa kanila ang baril, granada at yellow bag na naglalaman ng limang kilo ng shabu na nakabalot sa plastic na may markang Chinese characters. Narekober din ang apat na genuine P1,000 bill at 496 pirasong boodle o fake nap era. Kinumpiska din ni Garcia ang MIO MXI na motor ng mga suspects, driver;s license, dalawang helmets, at sling bag. Swak sa banga sila sa ngayon, no mga kosa? Mismooo!
Ayon naman kay Ibay, sina Severa at Damil ay nag-ooperate na noon pang 2019 subalit hindi nila akalain na malaki na ang network nila. Kaya nang matantiya ni Brannon na sila ang source ng shabu sa Sta. Ana ay kaagad minonitor ang galaw nila. Malakas ang paniniwala ni Ibay na courier o ‘kabayo’ lang ang dalawa at si Severa ang contact ng kanilang supplier, na nakakulong na bigtime pusher sa NBP.
“Taga-deliber lang ang mga ito. Kaya’t iniutos ko ang malaliman pang imbestigasyon para mabuwag na ang sindikato ng droga na kinasangkutan nila,” ang sabi pa ni Ibay. “Galing sa NBP si Severa kaya’t hindi ako magtataka kung s’ya ang contact ng drug lord sa NBP,” ang dagdag pa ni MPD director. Dapat mapremyuhan na itong si Ibay. Ano sa tingin mo PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil? Ang sakit sa bangs nito!
Samu’t-saring kaso ang isinampa ng imbestigador na si S/Sgt. Lyzer Mark Sagala laban kina Severa at Damil sa Manila prosecutor’s office. Inirekomenda ni Ibay na sunugin na ang shabu para hindi na mabulilyaso pa ang accomplishments nila. Sanamagan! Kahit hirap sa pondo, aim high na ang MPD sa laban sa droga. Abangan!
- Latest