^

Punto Mo

Maid of Honor (222)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ABA matapang na ang magbabasurang ito. Ano kaya ang ipinagmamalaki nito? Baka sinampal kita diyan! Tsupi!’’ sabi ni Mark Demonio kay Darwin.

Nagtawanan naman ang apat na kasama ni Demonio.

“Batukan mo na!’’ udyok ng isa.

“Upakan mo na para matigil ang angas!’’ sabi pa ng isa.

Nilapitan ni Demonio si Darwin. Inambahang sasampalin.

Pero mabilis si Darwin at sinipa si Demonio na nasapol sa mukha. Napapilig si Demonio. Nakakita ng mga star. Masakit ang pisnging tinamaan.

“Puta kang…” sabi at sinugod si Darwin. Pero sinalubong siya ng elbow ni Darwin at nasapol muli ang mukha. Sa lakas ng pag-elbow ay dumugo ang pisngi.

Lalong nag-ulol sa galit si Demonio at sinugod si Darwin. Nagpakawala ng mga suntok. Pero hindi tinamaan si Darwin. Pawang ilag ang ginawa ni Darwin. Napagod sa kasusuntok si Demonio. Humihingal na inutusan ang apat na kasama.

“Ano pa ang hinihintay n’yo? Kuyugin n’yo yan! Hawakan n’yo at gaganti ako!’’

Kinuyog si Darwin. May sumuntok sa tagiliran nito. Lumaban si Darwin. Pinaulanan ng suntok ang mga kalaban. May tinamaan sa mukha at katawan.

Pero dahil marami ang kalaban, hindi umubra si Darwin.

Dalawa ang bumaliti sa kanya. Hindi siya makagalaw sa tindi nang pagkakahawak. Ang dalawa pa ay pinagsusuntok siya sa mukha at tagiliran. Malalakas ang suntok. Tinamaan siya sa mata at pisngi. Nagdugo ang ilong niya.

“Ako naman!’’ sabi ni Demonio. “Lalagyan ko ng marka sa mukha ang hayop na yan.

Nilapitan ni Demonio si Darwin. Ubos lakas na sinuntok sa mukha. Duguan na si Darwin.

“O ngayon ka lumaban. Labannnn!’’ sabi ni Demonio.

“M-matapang ka l-lang dahil m-marami kayo. B-bitiwan n’yo ako at maglaban tayo!’’

“Aba at naghahamon pa. Etong gusto mo um!’’ sabay suntok sa sikmura.

Isa pang suntok ang ginawa ni Demonio. Tulu­yang napayupyop si Darwin. Iniangat ng dalawang kasama ni Demonio ang mukha ni Darwin.

“Lalagyan ko ng marka ang mukha! Hawakan n’yong mabuti.

Inilabas ni Demonio ang matalas na patalim.

Napasigaw nang malakas si Inah.

Isang lalaki ang mabilis na naglalakad patungo sa direksiyon nina Inah.

“Tulonggggg! Tulonnnnggg!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE COFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with