‘Langaw’ (Part 3)
SA isang sangay ng Ministry of Defense and Aviation (MODA) ako nakapagtrabaho bilang engineer. Malaki ang aking sahod, libre ang tirahan at pagkain. Taunan din ang uwi ko.
Unang pagdating ko pa lamang sa Riyadh ay humanga na ako dahil malinis ang kapaligiran. Sa paligid ng aming tirahan ay walang makikitang nakakalat na basura. Madalas ang pagdaan ng mga garbage truck.
Kaya wala akong nakitang langaw sa paligid o maski sa loob ng aming housing. Malinis pala talaga sa Saudi Arabia gaya nang sinabi sa aming predeparture meeting.
Tinanong ko ang aking kasamahang si Ted kung wala ba talagang langaw dito sa Riyadh. Sinabi ko sa kanya na ako ay may pteronarcophobia o pagkatakot sa langaw.
“Walang langaw dito Bro. Surot meron, he-he-he!’’
“Mabuti naman.’’
Pero hindi totoo ang sinabi ni Ted. May langaw din dito at marami! (Itutuloy)
- Latest