^

Punto Mo

EDITORYAL - Mahigpit na ­ipagbawal ang paliligo sa baha!

Pang-masa
EDITORYAL - Mahigpit na ­ipagbawal ang paliligo sa baha!

MAY sakit sa baha! Hindi lamang basta sakit kundi maaring ikamatay! Ito ang napatunayan, dalawang linggo makaraang bumaha sa Metro Manila noong Hulyo 24 dahil sa habagat at Bagyong Carina. Maraming naligo sa bahang kalsada. Hindi lamang mga bata ang tuwang-tuwa na naligo kundi pati mga matatanda man. Hindi na nila inisip ang panganib na kahaharapin sa paliligo sa baha. Pinabayaan ng mga magulang ang kanilang mga anak na maglunoy sa baha.

Isa sa ginawang swimming pool ng mga bata at matanda ay ang Quezon Boulevard underpass sa Quiapo, Maynila. Sinamantala nila na malalim ang tubig at libreng makalangoy sa underpass. Ang nasabing underpass ay umapaw din noong 2009 nang manalasa ang Bagyong Ondoy. Marami rin ang nag-swimming noon sa underpass.

Ang paliligo sa baha ay noon pa ginagawa ng mga tao sa kalakhang Maynila. Wala silang pinangingilagan. Bahala na kung ano ang mangyari. Basta ang iniisip nila ay makapag-enjoy sa paglangoy sa baha. Walang takot at pangimi kung lumangoy at sumisid kapiling ang iba’t ibang basura at dumi.

Dalawang linggo makalipas ang baha, dumagsa sa National Kidney Institute at San Lazaro Hospital ang mga taong may sintomas ng leptospirosis. Napuno ng pasyente ang dalawang hospital at kinulang ang nurses at doctors. Ayon sa Department of Health (DOH), may naitala nang 2,115 kaso ng lepto at apat na ang namamatay.

Ang pagdami ng kaso ay nakaalarma kay DOH Secretary Ted Herbosa. Hihilingin daw niya sa mga lokal na pamahalaan na magpasa ng isang ordinansa na mahigpit na magbabawal sa paliligo sa baha. Kung may ordinansa, hindi na raw darami ang kaso ng lepto at hindi na mahihirapan ang DOH na tugunan ang mga kaso.

Ayon pa kay Herbosa, maiiwasan naman ­ang leptospirosis kung hindi maliligo sa baha. Ang baha ayon kay Herbosa ay kontaminado ng ihi ng daga at iba pang hayop. Halu-halo na aniya ito sa baha na pinagliliguan ng mga bata at matatanda. Ayon pa sa DOH secretary, magpapasaklolo na rin sila sa Metro Manila Development Authority (MMDA) para ipagbawal ang paliligo sa baha. Hihikayatin din daw niya ang MMDA na siguruhin na nakokolekta ang mga ­basura na pinamamahayan ng mga daga.

Tama ang hakbang na gumawa ng ordinansa ang LGUs na nagbabawal sa paliligo sa baha. Dapat mapigilan ang mga tao upang makaligtas sa nakamamatay na leptospirosis.

BAHA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with