‘Baha’
SA pag-iinspeksiyon ni Tiya Aurora sa mga alahas sa kahon, nakakita siya ng pagkakakilanlan kung sino ang may-ari ng mga alahas. Nakita niya ang address sa pinakailalim ng kahon.
“Alam ko kung saan itong address na ‘to?” sabi ni Tiya Aurora. “Kailangang maisauli ito sa may-ari pero mag-iimbestiga muna ako.’’
Kinabukasan, nagsimula na si Tiya Aurora sa paghanap sa address. At tama ang kanyang hula na ang mga antigong alahas ay pag-aari ng isang mestisang Kastila na mahigit 100-anyos na. Ayon sa anak ng may-ari, hindi sinasadyang naitapon ang kahon. Sinabi ng anak ng may-ari kung anu-ano ang laman ng kahon na tugma naman sa nakita kong mga alahas.
Sumama ako kay Tiya Aurora sa pagsasauli sa alahas. Ipinakilala ako at sinabi ni Tiya Aurora na ako ang nakapulot ng kahon habang inaanod. Laking pasalamat ng anak ng may-ari at sa tuwa, pinagkalooban ako nang malaking halaga ng pera na sapat pambayad ko sa tuition. Kung hindi raw sa akin, baka pinag-interesan na ang mga alahas ng kanyang mama. (Itutuloy)
- Latest