^

Punto Mo

‘Baha’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 4)

HINDI ako makapaniwala sa laman ng kahon ng sapatos mga alahas! May hikaw, pulseras at kuwintas na sa tingin ko ay mga purong ginto. Saglit akong natulala. Unang pagkakataon sa aking buhay na nakapulot ako ng ganung mamahaling bagay.

Agad kong ipinaalam kay Tiya Aurora ang napulot kong kahon na may alahas.

Maski si Tiya ay hindi nakapagsalita sa nakitang mga alahas.

“Saan mo nakita?’’ tanong niya.

“Malapit lang dito sa atin, Tiya—mga dalawang kanto siguro mula rito. Nakalutang sa baha. Hindi ko muna pinansin at nagtungo ako sa bakery—pagbalik ko, naroon pa rin at kinuha ko na.’’
Ininspeksiyon ni Tiya ang mga alahas.

“Mga antigong ginto. Baka ang may-ari nito ay Espanyola o mestiza.’’

“May mga Kastila bang nakatira rito sa Dapitan?’’

“Hindi ako sure.’’

Masusi pang ininspeksiyon ni Tiya ang mga alahas. Tiningnan kung may makikitang address o mapapagkilanlan sa mga alahas.

Wala naman akong katinag-tinag sa pagkakatayo. Magkano kaya ang halaga ng mga alahas na ito?

Kung walang magmamay-ari, baka mapasaakin dahil ako ang nakapulot.

(Itutuloy)

KARANASAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->