^

Punto Mo

‘Paruparo’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(PART 3)

“BAKIT itim? Di ba yung makulay na paruparo ang love mo?’’

“Basta gusto ko itim.’’

“Bahala ka, loka!’’

Nang bisperas ng pag-alis ko patungong Riyadh, kasama ko si Joan. Palibhasa ay magkapitbahay lamang kami kaya madali siyang nakakalipat sa bahay. Ipinagluto pa niya ako ng mga pagkain at pinagsaluhan namin.

“Baka dun ka na makapag-asawa ano Joy?’’ sabi ni Joan.

“Sana.’’

“Sana mabait at hindi playboy ang mapili mo.’’

“Gusto ko munang makaipon nang mara­ming pera bago mag-asawa. Pagsasawain ko muna ng suweldo ang papa at mama ko.’’

“Tama! Ako rin ganyan ang wish!”

“E di sana nag-abroad ka tulad ko.”

“Ayaw ko ngang iwan si Mama dahil sakitin. Ako ang nag-aalaga sa kanya. Puwede rin naman akong kumita nang malaki rito.’’

“Sabagay. Pero kung gusto mong mag-abroad, sabihin mo sa akin.’’

“Sige.’’

Umalis na ako at nagtungong Saudi. Pagda­ting sa Saudi, nagtaka ako nang walang makitang paruparo.

Dahil kaya walang mga bulaklak at pawang disyerto ang makikita sa Riyadh?

(Itutuloy)

KARANASAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->