Tips sa senior citizens
Kung wala kang partner sa buhay at mapagkakatiwalaan naman ang mga kasama sa bahay, huwag ila-lock ang pintuan kung matutulog. Kung hindi ito posible at kailangan talagang mag-lock ng kuwarto, siguraduhin mong may katabi kang cell phone, bago itong recharge at may load.
Kahit pa anong busy ng inyong schedule, huwag kakalimutan ang pag-inom ng inyong maintenance medicine. Nariyan ‘yan para manatiling malakas ang iyong katawan.
Regular na mag-ehersisyo at magpa-check up sa doctor. Maging paladasal.
Bata pa ay mag-ipon ng pera para financially stable ka kapag nagretiro sa trabaho. Kung may sarili kang bahay at pera, hindi ka hahantong sa pagiging yaya ng mga apo at katulong ng anak at manugang mo.
Kapag umaakyat at bumababa sa hagdanan, kumapit mabuti sa staircase railings.
Huwag umupo nang higit sa dalawang oras. Tumayo at maglakad kapag nagtagal na sa pagkakaupo.
Huwag nang sumali sa tsismisan ng mga kapitbahay. Matanda ka na para makisali sa away kapag nagkasumbatan. Baka pagbintangan ka pang “walang pinagkatandaan”.
Lawakan ang pang-unawa sa lahat ng oras sa lahat ng tao. Patunayan mong hindi lahat ng tumatanda ay nagiging masungit at magagalitin.
Iwasang kumain ng maanghang kapag malapit ka nang matulog. Malaki ang tsansa na magka-heartburn ka at mabubulabog ang iyong pagtulog.
Ang mainam kainin bago matulog ay almonds dahil mayaman ito sa magnesium. Nakakatulong ito para marelaks ang muscle at ma-regulate ang blood sugar habang natutulog. Nagiging mahimbing ang tulog dahil nakarelaks ang muscle.
- Latest