^

Punto Mo

‘Salamin’ (Last part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

DUN na ako kinabahan. Kung dati ay hindi ako natatakot sa “multo-multo”, ngayon ay iba na ang nararamdaman ko. Kung dati ay hindi tumitindig ang balahibo ko, ngayon ay nagtindigan lahat. First time na nangyari.

Matapos ang narinig kong pag-flush sa inidoro, naramdaman ko na parang may dumaan sa likuran ko. Naramdaman ko ang pagdaan pabalik. Para bang hindi mapakali kung sinuman yun.

Hanggang napasulyap ako sa salamin. At dun ko nakita kung sino ang nasa loob ng cubicle at maaring ito rin ang nag-flush ng inidoro. Maaring ito rin ang pabalik-balik sa aking likuran na parang hindi mapakali.

Isang babaing mahaba ang buhok at nakasuot ng puting blouse at asul na palda ang ang nakita ko. Nakatayo siya malapit sa cubicle.

Nakaramdam na talaga ako ng takot at nagtatakbo na ako palabas.

Nang ikuwento ko iyon sa aking mga kasamahan sa trabaho lahat pala sila’y nakita na ang babae.

Estudyante raw ang babae na nag-suicide sa CR.

Makalipas ang isang buwan, nag-resign na ako sa kompanyang iyon at nag-aplay sa ibang kompanya.

Hindi ko malilmutan ang karanasang iyon.

MIRROR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with