^

Punto Mo

‘Salamin’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 4)

NAKALIMUTAN ko na ang pangyayari sa comfort room. Siguro ay dahil hindi naman ako sigurado kung tao nga ang nakita kong repleksiyon sa salamin na may tao sa isa sa mga cubicle. At isa pa, hindi naman ako naniniwala sa mga multo-multo o anupamang katatakutan. Ni hindi nga ako nakakaranas ng paninindig ng balahibo.

Madalas ko kasing marinig sa iba kong kasamahan na naka­karanas silang manindig ng balahibo kapag nasa comfort room. Sa loob-loob ko, bakit hindi ko iyon nararanasan. Bakit wala akong maramdaman?

Minsan, isang gabi, nag-iisa na naman akong nag-OT. Ang kasama kong nag-oobertaym ay nagpaalam na hindi makakapag-obertaym dahil maysakit daw ang anak.

Gaya ng dati, inabot ako ng alas otso ng gabi sa pag-oober­taym. As usual, nagtungo na naman ako sa CR para dyuminggel at maglipstik.

Pagbukas ko sa cubicle, napaatras ako dahil parang may gumamit sa inidoro.

Lumipat ako sa kabilang cubicle. Doon ako dyuminggel.

Nang matapos, naglipstik ako sa harap ng salamin.

Nang bigla akong makarinig na may nag-flush sa inidoro!

(Itutuloy)

vuukle comment

COMFORT ROOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with