Body hacks: Para-paraan para maginhawahan (Part 2)
Ang pag-amoy ng cinnamon bark ay nakaka-improve ng memory at nakakatulong upang maging aktibo ang utak sa pag-intindi ng binabasa o pinapakinggan na lecture.
Hindi kape ang natural na pampagising kung hindi ang blue light. Napatunayan ng mga scientists na nakakagising ng diwa ang blue light.
Kung nababalisa at ninenerbiyos, hipan mo ang iyong hinlalaki sa kamay ng ilang segundo para kumalma ang pakiramdam.
Palinawin ang paningin sa pamamagitan ng ganitong paraan: Hindi igagalaw ang ulo, mata lang ang pagagalawin. Tumingin itaas, tapos tumingin sa kaliwa. I-hold ang tingin sa kaliwa ng 5 seconds. Pumikit. Tumingin ulit sa itaas, tapos tumingin sa kanan ng 5 seconds. Gawin ito araw-araw. Ang ginagawa mo ay pag-eehersisyo ng muscles sa mata.
Upang ma-improve ang iyong pronunciation sa English, kailangang muscles naman ng dila ang iyong pasisiglahin sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagsasalita ng tongue twister. Halimbawa ng tongue twisters:
1, “Red leather, yellow leather”.
2. “Peter Piper picked a peck of pickled peppers,”
3. “How much wood would a woodchuck chuck if a woodchuck could chuck wood?”
Alam n’yo ba na ang simpleng pagngiti at pagtawa nang malakas ay nakatutulong sa inyong digestive system? Kaya ‘yung may mahinang panunaw sa pagkain, manood ng mga nakakatawang video, TV show na nakapagpapasaya sa iyo o makipagkuwentuhan sa mga taong masayang kausap at magaling ang sense of humor.
- Latest