^

Punto Mo

Sampolan mga ­pasaway!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MAHIGIT sa 6K pulis, ang nasampahan ng kasong ­administratibo sa ilalim ng  administrayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang nabatid sa Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS).

Ayon nga kay  PNP-IAS Inspector General, Atty. Brigido Dulay Jr. nasa kabuuang 6,526 na mga pulis ang inirekomendang patawan ng iba’t ibang parusa.

Sa naturang bilang, 2,551 sa mga ito ang nadesisyunan na ang kaso kung saan, 572 dito ang inirekomendang tuluyang  alisin sa serbisyo, 260 ang inirekomendang patawan ng demotion, habang 1,418 ang  suspensyon.

Mas magaan na parusa,  ayon kay Dulay ang iba na may kasong  simple misconduct, simple dishonesty, simple irregularity, simple neglect of duty, less grave neglect of duty, less grave misconduct, conduct unbecoming of police officer at gross Incompetence, grave misconduct, grave dishonesty, grave irregularity at grave neglect of duty.

Bahagi pa rin ito sa internal cleansing na ginagawa sa command.

Nakakalungkot nga lang dahil sa malaki pa rin ang naturang bilang na nadadawit sa iba’t  ibang kaso.

Ito ay sa kabila ng magagandang benepisyo na kanilang natatanggap.

Talaga yatang mahirap maituwid ang mga pasaway, kaya dapat lang masampolan para mangadala.

MISCONDUCT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with