^

Punto Mo

‘Hanger’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 1)

NANGYARI ang karanasan kong ito noong ako ay nasa kolehiyo, taon 1980. Sa isang two-storey boarding house sa Legarda ako nakatira. Malapi lang doon ang pinapasukan kong unibersidad. Walking distance lang.

Lima kaming babaing boarder sa boarding house. Magkakasundo kami dahil pare-pareho kaming magkababayan.

Okey naman sa tinutuluyan naming boarding house. May sariling kitchen at dining area. Mayroon ding sariling laundry. Hindi pa gaanong uso ang washing machine kaya manu-mano ang paglalaba.

May sariling bilaran o pinagsasampayan ng mga damit para matuyo sa second floor. Open ang second­ floor. Ang hindi ko lang nagustuhan sa second floor ay mga bulok na ang nakaharang na kahoy nagsi­silbing barandilya. Ma­aaring mahulog ang nagsasampay ng damit kapag na­patuntong sa gapok na kahoy.

Kaya ingat na ingat ako habang nagha-hanger ng aking white uniform.

(Itutuloy)

BOARDING HOUSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with