^

Punto Mo

‘Salamin’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 4)

Malalim akong nag-iisip dahil sa napulot kong salamin nang biglang may tawag sa akin mula sa Pinas.

Hindi pa uso ng mga panahong yun ang cell phone kaya bumabagsak ang tawag sa aming tinitirahang villa.

Nagmamadali akong nagtungo sa opisina ng manager ng villa sa ground floor.

Umiiyak ang aking misis nang makausap ko. At saka sinabi niya ang nangyari sa aming anak na nahulog habang nasa school. Nasa high school ang aking anak na lalaki.

Masama ang pagkakahulog sa hagdan kaya kailangang operahan. Maselan ang gagawing operasyon.

Kailangan ang ma­laking halaga ng pera. Hindi sasapat ang ­aming savings.

“Paano ang gagawin natin?” tanong ng misis ko.

“Gagawa ako ng paraan,’’ sabi ko kahit na hindi alam kung saan kukuha ng pera para sa operasyon.

May awa ang Diyos, sabi ko kay Misis.

(Itutuloy)

PINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with