^

Punto Mo

Fan ng ‘Ghostbusters’, nakatanggap ng Guinness Records dahil sa malaking memorabilia collection nito!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang fan ng pelikulang “Ghostbusters” sa United Kingdom ang nakapagtala ng world record dahil sa napakalaki nitong memorabilia collection nito.

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Darren McQuade ang pinakabagong world record holder sa titulong “Largest Collection of Ghostbusters memorabilia” dahil sa koleksyon nito na umabot na sa 2,012 items.

Para kay Macquade, hindi lang niya basta paboritong pelikula ang “Ghostbusters” dahil bahagi na ito ng kanyang pagkatao. Nagsimula ang pagkahilig niyang mangolekta ng Ghostbusters memorabilia noong siya ay bata pa matapos mapanood ang pinakaunang pelikula nito noong 1984.

Nagtatrabaho bilang professional magician si Macquade at madalas niyang isama sa kanyang mga tricks ang ilang “Ghostbusters-themed magic tricks”. Marami sa kanyang koleksiyon ay masasabing rare at mamahalin pero ang pinakamahalagang bagay na may kinalaman sa “Ghostbusters” ay ang experience niya na maging extra sa ikatlong sequel nito na “Ghostbusters: The Frozen Empire” na pinalabas nito lamang nakaraang Marso 2024.

Kahit pa tila museum na ng “Ghostbusters” ang bahay ni Macquade dahil sa dami ng kanyang koleksiyon, wala pa siyang balak tumigil sa pangungolekta ng mga ito.

vuukle comment

GHOSTBUSTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with