^

Punto Mo

Pinakamalapad na wig, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang wig maker sa Nigeria ang nakapagtala ng world record matapos itong gumawa ng pinakamalapad na wig sa buong mundo!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Helen Williams ang pinakabagong record holder ng titulong “Widest Wig” matapos itong makabuo ng peluka na may lapad na 11 feet and 11 inches.

Kung ikukumpara ito sa isang bagay, mas malapad pa ito sa kotseng Mini Cooper na may sukat na 11 feet and 10 inches.

Sinimulan ni Williams na gawin ang record breaking wig noong Pebrero at natapos niya ito matapos ang isang buwan. Upang makompleto ang wig, kinailangan niya ng 800 na bundle ng buhok. Malaking bahagi nito ay tinahi niya gamit ang kamay at ang ilan naman ay sa sewing machine.

Upang maging maganda at kumikinang ito sa mga litrato, nilagyan niya ito ng 1,000 piraso ng rhinestone.

Hindi ito ang unang Guinness World Record ni Williams. Noong 2023, natanggap naman niya ang titulong “Longest Handmade Wig” na may habang 1,152 feet.

vuukle comment

WIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with