^

Punto Mo

‘Flashlight’

Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 1)

Ang lumang flashlight ay pag-aari ng aking Lolo Pablo, ama ni Itay. Nang mamatay si Lolo Pablo noong 1970, ipinamana niya kay itay ang flashlight. De-baterya ang flashlight. Apat ang baterya. Bago raw namatay si Lolo Pablo ay pinagbilin kay Itay na ingatan ang flashlight. Huwag daw hahayaan na tumagas ang battery sa loob ng flashlight sapagkat dito magsisimula ang kalawang na kakalat na sa buong flashslight hanggan sa tuluyan itong masira. Sabi ni Itay ang flasglight ay binili pa ni Lolo Pablo sa Maynila. Hindi matandaan ni Itay ang taon kung kailan binili.

Kaya naman, sobra ang pag-iingat ni Itay sa flashlight. Sa araw na hindi ginagamit, inaalis ni Itay ang mga battery at binibilad sa araw. Sa gabi ito ikakarga sa flashlight dahil ginagamit sa pag-ilaw sa mga alagang manok at baboy. Marami kaming alagang manok at baboy.

Mahigpit ang bilin sa amin ni Itay na huwag paglalaruan ang flashlight. Pero ang isa kong kapatid ay hindi nakinig at pinaglaruan ito.

Ginamit ang flashlight kaya napundi agad ito. Nalaman ni Itay at nagalit.

(Itutuloy)

PABLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with