Malaswang pulitika, ang bayan ang huhusga
WALANG puknat na insultuhan at murahan ang mga social media vloggers ng Duterte at Marcos camp.
Nagtuturuan sila kung sino sa kanila ang mas gunggong. Ha-ha-ha!
Pagbabalitang may sangkap na pagbubuhat ng bangko ng kanilang sinusuportahan at pambabarubal sa kampo ng kanilang kalaban.
Volunteers lang daw sila at hindi sila bayaran. Sige na nga!
Nagsimula sa “bangag at pulboron” isyu kay BBM ay isinalubong naman ang “basketball star lover” ni Sara ang pinagpistahan.
Wala namang ebidensiya kaya kapwa bokya ang magkabilang panig ng nagbabarubalan. UniTeam po ang pinanggalingan nila.
Araykupo!
Pilit na pinapangibabaw ng social media vloggers ang kanilang kabarubalan sa pakikipagugnayan sa masa.
Sukdulang makasirang lalo sa kanilang sinusuportahan.
Sa pananaw nang marami, naimbudo na ang kalidad ng magagaling na political strategists at public relations consultants na datihang binabayaran ng mahal ng mga pulitiko.
Sinalungat na sila ng “political warfreak”at “public mind pollutants” para sa 2025-2028 elections.
May boldiyak ‘yan at sigurado tayo riyan.
Wait lang!
- Latest