‘Mama’
(Ikalawang bahagi)
Naging matigas ang aking ulo at ang mga pangaral ni Mama ay hindi ko sinusunod. Binabalewala ko ang kanyang mga pangaral. Kapag nagsesermon siya ay sinasagut-sagot ko. Ang sinabi niya ay walang anumang pumapasok sa kanang taynga at saka lalabas sa kaliwa.
Imagine, nasa high school pa lamang ako ay nakipag-boyfriend na. At nang malaman ni Mama na may bf na ako at pinagsabihan ay sinagut-sagot ko. Napakawalang kuwenta ko talagang anak. Sabi ko pa, huwag akong pakialaman. Sa tindi ng sama ng loob ni Mama ay napaiyak ito.
Pero akong matigas ang ulo ay nagkibit balikat lamang at balewala ang pag-iyak. Naibulong ko pa “drama” lang ang pag-iyak. Hindi ako tinablan sa pag-iyak.
Nang makatapos ako ng high school, lalo pang nagsumikap si Mama na makahanap ng pagkakakitaan. Para raw iyon sa pagkokolehiyo ko. Pero sinagot ko siya at sinabing hindi na ako magkokolehiyo. Nakiusap siya sa akin. Mabuti raw na makatapos ako ng kolehiyo.
E di pu-mayag ako. Nag-enrol ako. Masscom.
Hanggang sa ipasya ni Mama na mag-abroad. DH sa Hong Kong. Para raw iyon sa pag-aaral ko.
(Itutuloy bukas)
- Latest