^

Punto Mo

10 katotohanan sa pagsisinungaling

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ANG mga sumusunod ay base sa resulta ng online survey na ang respondents ay mga Amerikano:

1. Ang isang Amerikano ay nagsasabi ng average na 11 kasinungalingan per week.

2. Ang madalas na top 3 kasinungalingan na sinasabi sa online dating: a) kaunting dagdag-bawas sa height, vital statistics or weight. Tutal hindi agad malalaman kahit pa magkita sila nang personal; b) sasabihing non-smoker kahit chain smoker pala; at k) magyayabang na may hobby pero wala pala.

3. Mas marami silang sinasabing kasinungalingan sa buwan ng January. Galing kasi Christmas vacation at payabangan kung saan nagbakasyon, gaano karami ang natanggap at naipamigay na regalo, ano ang inihanda nilang pagkain.

4. Mas maraming kasinungalingan ang nasasabi ng isang tao kung nagsusulatan or nagte-texting lang sila ng  kausap kaysa kapag magkaharap sila—face to face.

5. Isa sa bawat 12 aplikante ay may inilalagay na kasinungalingan sa kanilang resume.

6. Base sa survey, ang pelikulang Godfather ang laging sinasabing napanood ng mga tao pero hindi naman.

7. Ayon sa pag-aaral ng Journal of Marketing Communications, mas mapagkakatiwalaang endorser ng cell phone at toothpaste ang lalaking may balbas kaysa clean-shaven. Pero hindi sila pinapaniwalaan bilang endorser ng underwear advertisement.

8. Mga 65 percent ng adults ay naniniwalang okey lang magsinungaling upang hindi makasakit ng damdamin ng kausap.

9. Mga 91 percent ng kababaihan ang nagsabing, habang tumatanda ay lumalaki ang tiwala nila sa sarili kaya nababawasan na ang bilang ng kanilang pagsisinungaling.

 10. Sa isang pag-aaral na ginawa tungkol sa ugaling pagsisinungaling ng mga teen-agers: a) Mas magaling magsinungaling ang matatalino; b) Ang mas matandang teenager ay mas magaling magsinungaling kaysa mas bata sa kanila.

vuukle comment

SIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with