^

Punto Mo

Lalaki na kinayang mag-pull ups ng 8,940 beses sa loob ng 24-oras, nakatanggap ng Guinness Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Japan ang nakapagtala ng world record dahil sa kakayahan nitong mag-pull ups ng 8,940 beses sa loob ng 24 hours!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Kenta Adachi ng Tokyo, Japan ang pinakabagong world record holder ng titulong “Most Pull Ups in 24 Hours (Male)”.

Natalo niya ang previous record ng Australian na si Gary Lloyd na may record na 8,600 pull ups.

Hindi mahilig sa pag-eehersisyo at sports si Kenta noong siya ay bata pa. Natuto lang siya mag-pull ups noong 2007 nang magtrabaho siya sa Japan Coast Guard. May sports test noon sa kanyang trabaho at 12 out of 21 lang ang kanyang naging marka sa pull ups. Dahil dito, na-challenge siya na mag-pull ups araw-araw para palakasin ang kanyang core muscles.

Noong 2019 pa sana siya nag-apply para sa Guinness title na ito pero nahirapan siyang mag-organize ng ­venue at mga audience para sa kanyang world record attempt. Lalo pang napurnada ang kanyang plano dahil sa COVID-19 pandemic kaya ngayong 2024 na lang niya ito natupad gawin.

Hindi naging madali ang record breaking attempt ni Kenta lalo na’t nakaranas siya ng iba’t ibang aberya tulad ng pagkahilo, pagsusuka at pa­nanakit ng tiyan. Pero kinaya niya na tumagal ng 24 hours at napagtagumpayan niyang malampasan ang previous record.

Matapos igawad kay Kenta ang Guinness certificate, sinabi nito na nais niyang maging inspirasyon sa mga tao at ipakitang walang imposible sa taong nagpupursigi at nagsusumikap maabot ang kanilang pangarap.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with